Every journey is a story so ... I write. I share. I blog. I smile.

Wednesday, May 29, 2013

TAGALOG OUTDOORS TRIBE






Ang katagang Tagalog ay sumasaklaw sa lahat ng mga katutubong ipinanganak saan mga isla ng “Pilipinas”. Una, doon mismo sa Kartilya ng KKK ay may paliwanag na ang tinutukoy na Tagalog ay ang lahat ng ipinanganak sa ating kapuluan, “maging sila man ay Bisaya, Ilokano, Pampango, atbp.” Sa kadahilanan na ang mga unang tao na narito sa ating kapuluan ay matatagapuan lamang sa tabing ilog na pangunahing pinagkukunan ng kanilang makakain, at ito din ang ginamit na salita noong unang itinatag ang republika ng ating bansa ang Republika ng KATAGALUGAN, kung kaya naman ang Tagalog ang napili naming pangalan upang lahat ng uri ng NITIBO ay masaklawan nito. Nais ng TAGOT na mapuntahan ang lahat ng kabundukan,kagubatan at kapatagan na siyang tirahan ng ating mga katutubo na sa kabila ng kaunlaran sa syudad ay siya namang Atrasadong pag unlad ng mga Nitibo natin. Nais makatulong ng TAGOT sa Pagprotekta sa kultura ng mga ito at sa lalo pang pagpapabayabung nito. Ang TAGOT ay handa ding makiisa sa lahat ng pagtutul sa anu mang kaparaanang makakasira sa kabundukan, kagubatan, na siyang tirahan ng ating mga katutubo. Ang TAGOT ay hindi isang simpleng mangangakyat lamang ng bundok ito ay may trabahong dapat ganapan at walang iba kundi ating Protektahan ang Likas na yaman ng bansa na gawa nang kalikasan. Ngayon ay nananaghoy. Sa patuloy na pamiminsala ng mga walang puso at makasarili lamang, wag nating hayaan na kasabay ng pagwasak ng ating kalikasan ay libo libong mga Katutubo ang mawawalan ng tahanan. ANG KAGUBATAN at KABUNDUKAN ANG TANGING LUGAR NA KALAAN SA KANILA – Halinat ating Silayan ang Ganda at saya ng buhay ng mga Katutubo . Sama sama nating lakabayin na sa bawat pulo na nandito ay ating alagaan hindi lamang sa mga taong nasa kalakhang sentro kundi para narin sa mga nitibong nangangalaga sa Balanseng takbo ng natural na pagdaloy ng ating kasaysayan. (mula sa panulat ni  Jim "Isko" Marcelino, nagtatag/pinuno ng grupo)


Ang Tagalog Outdoors Tribe o TAGOT ay naitatag ni sir Isko, apat na taon na ang nakalilipas na may layuning pagbuklurin ang mga mangangakyat hindi lamang upang umakyat ng bundok kundi para sa mas malalim pang dahilan na ang TAGOT ang maging isa sa mga simpleng daan upang makatulong at maiabot ang tulong sa ating mga kapatid na hirap maabot ng sibilisasyon. Sa mumunting paraan ang grupo ay nagsasama sama sa iba't ibang programa makatutulong sa bayan. Gayun din ang pagsuporta sa mga proyekto ng kapwa mamumundok at nang iba pang organisasyon at institusyon.      Nitong nakaraan linggo ang grupo ay nagsagawa ng ikalawang Akyat para sa Dumagat isang proyektong nasimulan noong Hunyo 2012 sa Sitio Kinabuan sa Tanay Rizal at sa kadahilanang naging maganda ang kinalabasan ng programa at nakita na madami ang natulungan at napasaya, hindi lamang ang mga inalayan bagkus pati ang mga miyembro nito kung kaya't ito ay nagpatuloy ngayong taon at maaaring sa mga susunod pang taon. 


Akin nang nailathala sa blog kong ito ang tungkol sa Akyat para sa Dumagat, (August 2012). Katulad nang programa noong isang taon ay siyang rin ang naging mithiin ng grupo para sa ikalawang pagkakataon, hindi man naging madali ang proseso subalit banad kong sulit naman lahat ng pagod. Maaring iba't iba ang pinanggalingan ng mga kasapi ng grupong ito, iba't iba ang pananaw sa mga bagay bagay pero kung susumahin ang lahat ay nagkakaisa sa tuwid nitong hangarin. Matagumpay na proyekto, masayang samahan, bagong kakilala, bagong kaibigan mga simpleng hangarin ng TAGALOG OUTDOORS TRIBE.  


Ako ay nagagalak na ako ay naging parte at miyembro ng grupong ito, nahanap ko at nahanap ako ng TAGOT. Salamat po.



Marami pong salamat sa oras na iyong ginugol upang basahin ang sulating ito. Kagaya nga nga sabi ko sa sulatin kong noong April 2013, ako ay gagawa ng entry para sa TAGOT, ito na po at sana sa munting paraan ay nakilala nyo ang grupong ito. Nawa'y sa susunod naming proyekto ikaw ay maging kabahagi.


------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Narito po ang ilang mga larawan ng naganap na Akyat para sa Dumagat II
(maraming salamat po sa lahat ng naging parte, donors, partisipante, at iba't ibang grupo.. at salamat  SAYO)



























itsmejackie c",)



No comments:

Post a Comment

"share a word/comments"