Every journey is a story so ... I write. I share. I blog. I smile.

Wednesday, June 19, 2013

Ang Kwento ni "R"

Ang "Kwento ni R" ay isang  lathalaing binuo mula sa puso ng ngsasalaysay at nang malawak na imahinasyon at pakikinig ng may-akda gamit ang unang tauhan... 


"Ang ulan at luha ay sadyang magkatulad, ito'y bigla na lang bubuhos kapg sobrang bigat"

Kung minsan ninyo akong nakikitang masaya, malakas, matapang na tila bang walang kinakatakutan. Ang iba ang tawag pa sa akin ay one of the boys, ang ilan ay amazonang gala... Uo marahil nga sa panlabas na itsura, tindig at pisikal na aspeto, subalit ang puso naman ay mahina na tulad ng maya.

Isang gabi matapos ang tawanan at walang katapusang gawain, sa pagdampi ng ulo sa unang yakap may mga luhang unti unting pumapatak mula sa aking mga mata. Tila nga isang nabuksang gripo na ang pag-agos ay dire-diretso tila di na maisara. Ang bigat nang aking kalooban dahil sa isang pangyayaring aking pinagdadaan, marahil sa iba ito ay napababaw subalit para sa akin ito ay sadyang kaysakit. 

Puso nga naman kahit anong lakas mo siguradong ikaw ay titiklop, maaring mong ipakita at ikilos na matapang ka pero panigurado sa kalooban wasak ka. Iyong bang una akala mo wala lang di mo pinpansin ang lalaking humahanga, subalit pagtagal ikaw ay nahuhulog na rin.

SA pagdaan ng araw pareho kayong nagkakaintindihan kahit walang pormal na sagutan basta masaya kayong nagkikitang dalawa, na kahit di nag-uusap pagka nagkatinginan ang mga mata ay may pagkakaunawaan. May kilig na nadarama kapag siya ay ngtext na paniguradong may ngiting bubuo sa iyong mga labi.

Sa paglipas ng buwan ako ay unti unti nang naguguluhan sa kung anong meron sa ating dalawa. Sa pag-uusap sa telepono tila nga parang tayong dalawa na ngunit sa tuwing ngkikita kasama ibang mga kaibigan teka anong nangyayari... kilala mo ba ako kaibigan? Kung sino sino ang iyong kinakausap at ako'y bale wala.

Ngayon tila mapaglaro ang tadhana parang unti unti na nawawala ang iyong nadarama kung kelan pa naman ako ay handa na gawing pormal ang ating pagkakaunawaan pero parang ika't lumalayo na. May nakita ka na bang iba, o talagang nanlamig na lang sa kakahintay. Batid kong dama mo na gusto na rin kita kaya't dasal ko na lamang ika'y ganun pa rin ang kalooban. Sa ngayon ako ay maghihintay sa kung saan tayo tutungo... kahit malabo ay maghihintay, hanggat kaya.


itsmejackie c",)

No comments:

Post a Comment

"share a word/comments"