Every journey is a story so ... I write. I share. I blog. I smile.

Monday, May 20, 2013

Trio Tripped At Mt. Humarap, 3 Krus


Doon sa Mt humarap kami ay humarap
inakyat mga hagdang kay hirap.
Subalit sa aming pagtungtong sa itaas
parang mga batang namanghang wagas.

Di man alam ang naghihintay sa amin
subalit ang mga paa'y di nagpapigil,
buong hingal man ay abot abot hanggang langit
doon naman sa tuktok ay kaakit akit.

Iba't ibang prutas aming nakilala,
ako man ay ngayon lang nakakita.
May Panungayan na kapatid ng rambutam,
may Catmond na tila kamias ang lasa.
Chico Mesa na isa palang Tsesa,
anong halakhak ng aming makita.

Sa mga simbahan ay nakapunta't nakadalaw
nakapagpasalamat sa magandang araw.
Isang buong araw pagod man ay masaya
kasama ng mga kaibigang loka.

Matapos akyatin ang bundok na pahirap 
doon sa talon ay nagpahingang kay sarap,
Sana nga lang lugar ay maiayos,
maalagaan at makilala ng lubos.

-----------------------------------------------------------

Trio Tripper Jp, me & Kenet


Ito ay dapat 3WF2C1M, ibig sabihin 3 Waterfalls, 2 Churches, 1 Mountain. This should have been done accordingly. Subalit dahil nagahol sa oras ay nakapag 1 Waterfall na lang, Daranak at Bangil ay di na nagawa. Gayun pa man ay naging masaya at ligtas ang aming paglalakbay, isang gawaing natupad. Salamat oaibigang Jp sa I.T subalit patawad sa aking paninira ng I.T nagahol tuloy tayo sa oras... eheheheh

Ang bundok na ito mababa man ay mahirap pa rin, sementado ang inaapakan subalit masyadong matarik kaya dapat pa rin ng pag-iingat ang sabi nga "do not under estimate a mountain" lalo't hindi mo alam kung anu meron dito. Sa gitna nang aming paglalakbay ay may mga nakasalubong kaming mga taga roon na may kani kanilang gawain. Ay doon ay nakilala din namin ang gibat prutas na ngyon lang namin nakita.. Ang Catmon at Panungayan, eheheh. Nang aming matikman ay kakaiba, atleast bago sa aming panlasa. 

Sa aming pagdalaw sa bayan Tanay at Laguna, salamat at kami y nakadalaw sa 2 lumang simbahan, ang Simbahan ng Tanay at Paete. Mga lumang simbahang subok na nang panahon, at sa unang pagyapak 3 kahilingan ang binulong.   





    First stop.. 
Old church of Tanay.... asking for blessing and guidance.



                                                    
Pictures below shows the start of the race up the mountain... 




Hingal kabayo pero ngiti pa rin..

water source @ waiting shed that separates the trail to 3 cross and to falls



iyon ang daan


Panungayan fruit, kapatid ni rambutan



Ito po ay ang Catmon fruit





Ang tatlongkrus


Maaari ring mag-overnight, mayroon ding lamesa na maaaring makainan  may lamang bayad ng P100.00

Matabungka Falls, its a twin falls!!!




nakikita mo ba ang bahaghari?
chillax chillax lang muna






Salamat sa bagong paglalakbay... sa uulitin.


itsmejackie c",)





















 













No comments:

Post a Comment

"share a word/comments"