Every journey is a story so ... I write. I share. I blog. I smile.

Wednesday, May 18, 2016

Ang aming Amihan

Waaaahhhhh..Isang mapagpalang araw po.... Mayo 18, 2016 at mukhang ito na ata ang pinakamatagal kong pagbabalik sa blog kong ito, wala na kasing net sa bahay tinamad magpunta sa mga computer shop, pero ngayon ay may isang napaganda at malaking dahilan upang ako ay muling dumayo dito sa aking site.


Nobyembre 2015 isang balita ang sa amin ay bumungad .. isang anghel ang sa aking sinapupunan ay nabuo... isang dalanging natupad din. Walang sidlan ang aming kasiyahan, salamat Ama sa magandang biyaya.

Sa Ika-isa ng Hulyo ang takdang pagdating, subalit hindi na ako mapaghintay, nais ko nang masilayana ang aking anak, nais nang mayakap sa aking mga bisig. Saglit na araw na lang ang hihintayin at tayo magkakasama na nang buo.


|"Ang pagdating"

Halos dalawang buwan na lang ang hinihintay
at masisilayan na ang iyong buhay na taglay.
Magsisimula na ang mga gabing puyatan
Iyak na gigising sa sanlibutan.
Subalit babalutin ko ang bawat araw ng aking pag-ibig
tulad ng pag-ibig ng Maykapal sa amin lumigalig
Poprotektahan ka mula sa mga lamok at init
di padadampian na magiging dahilan ng iyong sakit.
Trabaho't personal na naisin akin munang isasangtabi
uunahin ka dahil isa kang natatangi.
Dalangin ko ang ating maayos na kalusagan
ang ligtas na pagdating ng aming Amihan.





#mahalnaAmihan
#mahalnadadikoiO
#TribungGaeSan



its me jac  c",)

Thursday, February 4, 2016

Just drooping by




WOW!!!! its been months since the last time I last logged in here.. Seems I need some catching up to do.. arrgggg there are lots of memories to share, lots of stories to tell unfortunately I only have limited access to net. I still need to go to net shop before I can go online. Anyways, one day I will be giving time into this, I will just also prepare the pictures that will go in with my stories.

I'm soooooooooooooo excited!






its me jac  c",)