Every journey is a story so ... I write. I share. I blog. I smile.

Tuesday, December 31, 2013

Mapagpalang 2014



Ang taong 2013 ay naging masaya, malungkot, matamis, masakit.
May dumating may nawala, may nanatili may lumisan.
Subalit anu pa man ang nangyari ang panigurado may aral sa buhay na hatid.
Sa taong darating naway tayo ay mas pagpalain, kaligayahan ating mabatid, kapayapaan ay suma atin.

Sana ay huwag din po nating kalimutang alalahanin ang mga kapatid nating naghahangad din ng magandang pagharap sa taong 2014 sa kabila ng mga trahedya at suliranin sa buhay. Tayo'y sama sama sa pagdarasal ng maayos at masayang bagong buhay para sa bawat isa. Naway ang mga nakakataas ay matutong bumaba, yumuko upang ang mga nasa baba ay mapantayan.

Panalangin para sa inang bansa. Panalangin para sa ating kababayan. Panalagin para sa bawat pamilya. Panalangin para sa bawat Filipino.

At sa mga nasaktan, nabwisit, nakulitan ng inyong lingkod PEACE na po tayo, Forgiven na rin ikaw/kayo.


MARAMING SALAMAT sa 2013.
Harapin natin ang 2014 ng masaya at buo.

Mapagpala at masaganang bagong taon!
SALAMAT KAY BATHALA!


~mapaglarong isip
~pogs
~mam/kap
~kaibigan
~prinsesa ng TAGOT
~inyong lingkod




itsmejac c",)