Every journey is a story so ... I write. I share. I blog. I smile.

Wednesday, January 22, 2014

Mt. Maranat/ Maraat



Doon sa kabundukan ng Sierra Madre may magandang lupaing natatago, ikinukubli ng malalaking puno, inilalayo sa mata ng mga tao. Mt Maranat o Mt Mara'at kung ito'y tawagin sadya itong nakahuhumaling, marami na ang kalooba'y dito nahulog kaya't mapangilang beses ay pabalik balik.


Ang Maraat, hindi lamang isang bundok kundi isang lugar kung saan madaming istorya ang dito nabuo. Halos mag-iisang taon na ng una ko itong inakyat mula sa pag- anyaya ng mga kasama. Dito madaming nakilala, madami ang nakasalamuha. Iba't ibang tao sa ibat ibang industriya nagsasama sama sa tahanan ng mahal na tatay Nestor. May mga kinatuwaan meron ding kinaasaran. Subalit sa lahat lahat mas nanaig ang kasihayan at samahan. Sa pag-akyat ko sa bundok na ito sa maraming bagay ay namulat ako, hindi lamang sa usaping pagbubundok kundi pati sa usaping kalikasan, samahan, tulungan at maraming bagay. Ako'y nagagalak at ang mga taong dito'y nakilala ay may parehang adhika ang makitang maganda si Inang kalikasan at makatulong sa mga kapwa. 

Ang bundok ng Maraat hindi lamang para sa pag-akyat dahil madaming maganda pwedeng gawin dito Ang magpakabasa sa falls, tumalon sa ilog, mag bouldering, mag susuot sa kweba.. at tila walang katapusang gawain. Ako nga hindi ko pa rin nalilibot ng husto ang lugar na ito kahit na makailang ulit na beses na akong umakyat dito. Subalit ang doon sa tahanan ay mamalagi lamang ay okay na ako.

At isa sa mga dahilan kung bakit ako/namin ito binabalikan ay dahil sa taong sa aming buong puso at bukas palad na nagpapasok sa amin sa kanya kubo sa taas ng kabundukan, si tatay Nestor. Si tatay ay halos 10 taon na naninirahan sa lupain ng Maraat upang maghanap buhay. Meron mang pamilya si tatay sa kapatagan ay mas pinili na nia ang dooy manirahan dahil nga naman mas tahimik, payapa at maganda ang simoy ng hangin kung kayat minsan ang kanya mag-iina ay doon na lamang din pumapanhik upang siya'y makapiling. Nang dahil sa parating kong pag akyat dito ay nakasundo at parang naging pamilya ko na rin ang pamilya ng tatay Nestor, sina Nanay Juliet, mam Jen, jerry at ang bunsong si Justine.. ahahah di ko akalain na ako'y magkakaibigan pa na mas bata pa sa akin pero tinuturing ko na ang batang ito na nakakabatang kapatid.


Ang Mt. Maraat isang bundok na paniguradong aking babalik balikan hanggang kaya't may babalikan dahil sa ngayon nagiging malaking isyu dito ang nasisira nang daan at mga basurang naiiwan o sadyang iniiwan ng mga umakyat. Kung kaya naman ang buong samahan ay kumikilos upang maisayos ang mga nasisira at wag tuluyang masira ang Mt. Maraat. Aming pong hinihiling sa mga kapwa mamumundok, kahit sa mga bumibisita lamang ay magdala po tayo ng isang buong BAG o MALETA NG DISIPLINA, RESPETO at PAGMAMAHAL PARA SA ATING MAHAL NA KALIKASANA AT MARAAT at nang sa gayun ay mapanatili natin ang ating sangtwaryo. 















w/ bunsong Justine

Tatay Nestor




Sana kung gano mo kamahal ang iyong sarili ay gayun mo ding mahalin ang mga nakapaligid sayo, kasama rito ang kalikasan mo.




itsmeJackie  c",)





1 comment:

"share a word/comments"