Every journey is a story so ... I write. I share. I blog. I smile.

Thursday, February 20, 2014

Minsan doon sa Baseco



Sila ang mukha ng mga batang baseco at ito ang mundo ng Baseco madumi, madaming basura, mga batang madudungis, mga matatandang gumagawa ng panghanap buhay. Hindi ko masabing sila ay masaya o malungkot dahil hindi pa nman ako nakatitira dito ngunit sa aking palagay sila ay sakto lang sila. Kung baga nakakaraos.

Makailang ulit naman din ako nakapunta dito sa Baseco para sa parehong dahilan upang ang makasalamuha ang mga tao dito higit ang mga bata. Nagpapakain, nagbibigay  ng munting regalo simpleng paraan upang magbigay ng konting saya.

Muli nitong nakaraang linggo ako ay naanyaya ng isang kaibigan para sa buwanang pakain ng kanilang grupo sa baseco. Nakakatuwa na itoy kanila na naging panata at naging parte ako At sana ito ay magtuloy-tuloy.

Subalit malunglot at masakit makita ang kalagayan ng ating mga kapatid sila nakatira sa lugar na sa bawat pagmulat nang kanilang mata mga basura ang tumatambad sa kanila, subalit sila'y dito nasanay na at nornal ang ikot ng buhay. Pero masakit itong malaman lalo na pata sa mga bata...batang madudungis, tila pinababayaan ng mga magulang hindi nakakaligo subalit ang amin lang kayang gawin ay ang silay pagsabihan at mabigay sa kanila ang munti naming mga dalahin. At doon kami'y nagtagumpay naman..ahahah.

Sana lang at panalangin ko na ang ating gobyerno makita ng lubos at buo ang kalagayan ng lugar na ito. Gayun pa mana kahit na ganito sa baseco masarap parang doon mag ikot makita ng mata at puso ang tunay na itsura ng mundo ko, ng mundo mo.  At sa pamamagitan ng sulating mata ay makita mo rin, at sana kahit pano ay alam mo na ito.

Wag tayong magbulag bulagan, wag tayong magtanga tanghan, wag tayong makasarili at wag tayong maging manhid.


















Saglit lang mga kaptid kami ng grupo kong TAGOT at ng Reach kids ay gagawa ng paran sa aming makakaya... darating kami.

Patnubayan kayo ni Bathala






itsmejackie c",)



No comments:

Post a Comment

"share a word/comments"