Narito ang aking personal na punto sa huling 2 libro aking nabasa
Bakit baliktad magbasa ng libro ang mga Pilipino ni Bob Ong isang libro na gawa pa noong 2001 subalit ngayon ko lang naibigang basahin marahil na taon na lang din na basahin ko ito ngayon sa kasalukuyang estado ng bansa. Napakaraming punto ng buhay ng mga Filipino at ng bansang Pilipinas ang nabanggit dito merong nakakatuwa, nakakabalik tanaw, nakakangiti, nakakainis, nakakaiyak at halos lahat na ata ng emosyon, hindi naman sa pagiging eksaherada.
sa aking palagay sa lahat ng libro ni Bob Ong na aking nabasa ito ang may pinakamakabuluhan, sa una parang isang ordinaryong babasahin lamang subalit sa bawat pagpihit ng pahina ay palalim palalim ang nagiging paksa at sapol na sapol nito ang kaloob looban ng ating mahal na Pilipinas mula sa kagandahan hanggang sa kapangitan nito, mula sa nakakamangha anyo hanggang sa nakakasulasok nitong diskripsyon mula sa pananaw ng mga kapwa Pilipino at maging mga dayuhan.
Ito ang isa sa mga paborito kong parte (makikita sa bandang dulo na ng libro)
Tanong: Magbigay ka ng 12 na dahilan kung bakit magandang manirahan sa Pilipinas , kung bakit dapat tayong manatili rito?
Maraming mga sagot ang ibinahagi, maraming dahilang nabanggit.. subalit sa isang simpleng sagot dito tinapos ang tanong... Pilipino ako, sapat nang dahilan 'yon para mahalin ko ang Pilipinas.
Sa pagtatapos kong basahin ang librong ito, tila nilibot ako nito sa nakaraan at ibinalik sa ngayon na mas may malawak na kaalaman at malalim na kaisipan para sa aking kapwa, aking kapaligiran, higit sa lahat pagmamalasakit at pagmamahal sa ating bayan. Ngunit higit sa pagbabasa ng librong ito ang tanong.. ano ang magagawa ko, ang magagawa mo, ang magagawa natin?

INFERNO by Dan Brown ...after reading this book I had a serious thought about over population which is somehow is really scary in many ways (whether in reality or fiction), it can threaten the humankind relationship and how we live, hope we could find ways to balance things out. And also the way how Brown described Manila in this book is sad but its the truth, hence, rather than being insulted we should just use this as a challenge and change how they see Manila. I can't wait to see this in movie I want to see if what I've read & imagined will be the same in movie screen.
Sa pagbabasa ako ay nalilibang ang aking katauhan ay tila dinadala ng kwento kung saan, ang imahinasyon ay gumagana sumasabay sa galaw ng bawat tauhan. Naway ang pagbabasa ay inyo ring makahiligan at nang inyong kaisipan ay mapuna ng kaalaman.
Gubat ni William Pomeroy at Walang di Makaraos ni Eros Atalia... sunod sa linya
Maligayang pagbabasa.
itsmejackie c",)
No comments:
Post a Comment
"share a word/comments"