Every journey is a story so ... I write. I share. I blog. I smile.

Friday, August 16, 2013

Buntot Palos, Pangil Laguna

Ang minsanang pag-iba ng ruta ay di rin masama
bagkus ito ay isang paraan upang makakita ng ibang daan,
ang makita ang kagandahang nagtatago at ikinukubli mula sa malayang mundo.
Iniba ko ang daan mula sa lagi kong tinatahak
ang aking mga paa sa ibang lupa muna itinapak.
Ngunit naiba man ang daan iisa pa rin ang dahilan, iisa ang kinabagsakan
sa isang lugar kung saan ang isip buong sayang itinahan,
mula sa maingay at magulong kabihasnan.

Ang malakas ng pagbagsak ng tubig ng talon sa ami'y nagpatahimik, 
nagpakalma sa kaloobang tila nangangalit sa mga isipin at suliranin.
Ang hapong katawa'y sa malamig na tubig hinayaang balutin, 
niyakap ang masarap at nakakapanatag nitong hatid.

Kasama ang kaibigang naghahanap ng laya mula sa mabigat na bitbitin,
gayun pa man buong lakas at saya naming inakyat ang Buntot Palos 
Naging makulimlim man ang aming pag-ahon may kasama pang malamig na pag-ambon 
naging masaya pa rin ang aming paglusong. 

Ang mga sandaling ito ay sya ko na ring personal na paunang pag-selebra ng buhay,
pasasalamat sa mga biyayang bigay ng buhay.
Nagbigay pugay sa Poong Maykapal kasama ang mahal ng inang kalikasan at 
kaibigang buong tapang na lumalaban.
Salamat sa pagsama kaibigang Jp, paniguradong madami at mahaba pa ang ating tatahakin,
hanngat ang paa'y humahakbang, hanggat may lupang tatapakan sabihan mo lang ako 
at mag-iimpake na ako.

Oh san ang susunod nating gawi?


Maraming salamat sa panibagong taon. Im the "Leogirl @ 30"




On our way to Buntot Palos, papunta pa lang ng brgy muntik ng mawala, hai JP!!!


Simula ng sementadong matarik na daan



its a two thumbs up

different species can be found up there





 a little fun and fruit trip muna, eheh

Such a lovely and lively trees








And this is the Buntot Palos Falls, weeeeeewwww ganda!!!






this is boomboom, ang laging kasama ni Jp

the water is so freaking cold!!!!!! grrrrrrrrr


















super enjoy and relaxing.. despite na 2 lang kami...




Salamat po Panginoon sa iyong pagmamahal at mga biyayang kay ganda!



itsmeJackie c",)















No comments:

Post a Comment

"share a word/comments"