Every journey is a story so ... I write. I share. I blog. I smile.

Tuesday, April 30, 2013

Ang katuparan

 Ito na po ang katuparan ng naunsyami kong tula noong huling lathalain, eheh..yahhhooooo


"Bukas Isipan"

Sa araw araw na aking paglalakbay
Iba't ibang tao aking nakakasabay
papunta sa kani kanilang patutunguhan
sa opisina, sa eskwela o kung saan man.

Sa bawat araw na kanilang pinupuno
nang mga gawaing kanilang gusto
sisimulan at magtatapos nang naayon
upang sa huli ay wagas na magkalayon.

Subalit nawa'y sa gitna ng mga gawain
atin din mapansin ang mga kapatid natin
na tila sinukluban ng langit at lupa
di man nila nais, subalit di mga pinagpala.

Huwag tayong magbulag bulagan
sa tunay na kalagayan ng ating bayan
bawat isa lamang ang ating magiging lakas
kaya't wag kang magdamot at magdahas.

Sa mapaglarong pagbalasa ng panahon
Ang mga nasa langit ay maaring maging nasa lupa
at ang nasa lupa ay maaring maging nasa langit.

Sadyang walang nakakaalam ng ating kapalaran
Anu mang pilit nang ating isipan,
Basta pananalig at tiwala ang syang maging sandata
At ang Puong may gawa ang SYA ng magdidikta.



Ito po ay masusundan.
Muli, Salamat



itsmejackie c",)

Sunday, April 21, 2013

Blank poem

 Matagal tagal na rin ng huli akong gumawa ng tula at parang nais kong gumawa ngayon, bubuhayin ang pagka-makata.





after 10mins.....................







after 20mins......................






after 30mins........................




takte! next time na lang, nadrained n utak ko sa init... eheheh



itsmejackiec",)

And I say....


Here I am in front of PC logged in to this blog spot of mine but I don't have anything to write, this is just a free flow of thoughts, what ever my mind says that's what my fingers key in and so now you can read it. Lot of things worry me today for no apparent reason its just makes me worry, arrrgggg I HATE THIS. So to relieve myself I just stare on my facebook account, on my twitter and here on my blogspot releasing all my anxiety for today I hope it works.

As what the saying goes things happen for a reason whether its good or bad there's always a reason we may not know what the reason is but for sure it will be for yours or one's good. And the thing here is we should have an open mind and ready for any changes this event may bring. Unfortunately not everything is on our side, nuances will sure always be there but then so what let's just keep on moving on.

Its is just so uncanny that some events are being repeated sometimes it's incessant and your getting used to it that you wanna throw up.Good thing changes is constant so there's always new flavor, there's always challenge, audacity keeps us moving.

Haist I honestly don't know if I'm making sense here, I hope I do. This is just what I've thought of as of this writing, I just have to write to lulled my mind and heart.

Life is dainty to be negative.



That's it for now. Thanks for dropping by again.



itsmejackiec",)

Saturday, April 6, 2013

Ang karugtong

Ito na ang karugtong ng aking huling lathalain, at tulad nang aking sinabi babalitaan ko kayo tungkol sa magiging resulta nang aking paghahanap ng trabaho at ha ha tayo ay pinagpala naka swerte at si Jac ay may trabaho na... daraaaannnnn!! eheh. Nung Nakaraang huwebes ay akin nang minarkahan nang aking lagda ang mga papel na naglalaman ng mga kasunduan sa bagong trabaho, sana lang ay maging maayos at maganda naman ito. Kaya wish me Luck! At naku ha ang mga kasamahan sa pag-akyat ay nakapag-pareserve na nang libre, pero sige okay lang hintay hintay lang kayo darating din tayo dyan.

Sa ibang usapan, ito ay tungkol sa proyekto ng aming grupo na TAGOT o TAGALOG OUTDOOR TRIBE isa itong samahan ng mga mamumundok na naglalayong sa pag-akyat ng mga kabundukan ay makapag-iwan ng magandang sisidlan. Sa ngayon ang grupo ay may planong mag-outreach program sa barangay ng Sta. Inez sa Tanay Rizal kasama ang mga local ng lugar na mga dumagat. Ito na ang ikalawang taon ng proyektong ito, may naisulat akong lathalain tungkol dito na maaring mo ring basahin balikan mo na lang ang, August 2012, maliit man ito subalit ito ay puno ng puso at pagmamahal.

Akyat para sa Dumagat ang naging tema ng nasabing proyekto, ito ay 3 araw na gawain May 25-27, 2013. Ang unang araw ay nakalaan para sa pakikipag salamuha sa mga Dumagat, magpapakain, mag-papalaro, magpoprograma, pagkatapos ay mamamahagi ng mga "give away" bilang isang maliit na paraan upang mapasaya namin ang ating mga kapatid sa Sta. Inez. Ang gawaing ito ay kusang loob po lamang, wala kaming mga sponsor o mga malalaking kumpanya na ini-rerepresenta kung kaya't kami ay personal na gumagawa ng paraan upang makalikom ng mga kakailanganing mga bagay tulad ng damit, pagkain, tsinelas, gamot, libro, lapis, notebook at kung anu pang maaring maipamahagi nawa'y sa tulong ng Diyos ay makalikom kami ng sapat.

Pagkatapos ng programa ang susunod na araw ay para sa actual na akyat-clean up drive ng grupo sa Mt. Irid na may sidetrip sa Kinabuan Falls. Paniguradong magiging masaya at makabuluhan nanaman ito, excited na nga ako. Makakasalamuha ka ng ibang tao na may parehong hilig mo sa pagakyat at ang tumulong, additional sa listahan nanaman ito ng mga kaibigan.

Ang pagtulong sa kapwa ay isang nobelang gawain na dapat ay bukal sa puso at hindi naghahanap ng anumang kapalit. Wala rin ito sa laki o dami ng tulong na iyong mabibigay subalit sa ngiting nauukit sa labi ng mga taong iyong natutulungan.


Muli maraming salamat sa pagdaan at pagbibighay oras sa pagbabasa. Magandang araw.


P.S. gagawan ko ng sariling blog sa susunod ang TAGOT.


itsmejackie c",)