Every journey is a story so ... I write. I share. I blog. I smile.

Friday, August 15, 2014

Sugod sa Mt. Oriod (North peak)



3 buwan ang nakalipas matapos ang unang grupo ng mga kapatid sa maranat na umakyat sa mt. Oriod north peak, sa pangunguna ng tatay nestor at kap Edwin ay sumunod ang ikalawang grupo kung saan ako ay mapalad na nakasama.. Nang una hindi pa nga malinaw ang lahat, magulo ang araw at oras ng pag akyat. Dahil sa ibat iba ang mga oras ng gawain at hindi pa rin sigurado ang mga makakasama. Hangang sa 2 araw bago ang araw ng itinakda ay nagtext si kap Edwin na tuloy na ang pag akyat. Ay nakaw walang pagsidlan ang aking katuwaan at pananabik, sa wakas matutuloy na rin.







Simula ng paglalakbay



Sabado, Hulyo 13 ang usapan bago mananghalian ay magsisimula ang pagakyat subalit ahahah alas kwatro na ng hapon kami nakalarga sa kadahilanang hinintay pa rin si kap Avol gayun pa man natuloy pa rin. Bago kami umalis isang mainit na kanin ang aming pinagsaluhan laman ng aming tyan at nagbigay lakas. Pinasimulan ng dasal kami ay humayo na.. Kasama sa linya ay si tatay Nestor, kap Edwin at kap Jun na pangalawang beses ng nakaakyat... Kasama rin sina kap Marlon, Alvin, Avol, Satya, Omeng at inyong lingkod. 


Nakakatuwa na ito ang isang akyat na di masyadong napaghandaan, subalit natapos ng matagumpay. Sa bawat hakbang na ginagawa ay xiang papalapit sa tuktok na inaasam. Sa bawat paghakbang may ngiting nabubuo, may pagod mang nadarama di inalintana marating lang ang Oriod na pinangarap. Sa bawat hakbang kami ay napaparoon sa mundong wala masyadong taong gumagalaw mga halaman, hayop at insekto ang naninirahan na buong galak sa amin nagpatuloy subalit nagpapahiwatig na kami'y kanilang nasasakupan kayat marahan at magalang naming tinahak ang mundong kanilang kinaroroonan.
3 araw ng paglalakad sa dilim, sa liwanag, sa init sa lamig. Tinawid ang ilog na may malakas na tubig, nangapa sa dilim gamit ang umandap andap na headlamp na nagbibigay ng konting liwanag. Magkagayun man ligtas pa ring nakarating sa paroroonan. 









Sa aming pagpasok sa yungib ng kagubatan ibat ibang elemento ang aming nakita

Subalit isang nakakalungkot na pangyayari ang doon nangyayari may mga taong ang oriod ay nais na ring sakupin. Aming mga mata ay may nasaksihan kalunos lunos na gawain mga walang pakundangan. Mga puno na nagbibigay buhay ay unti unti nilang pinapatay pinuputol, sinusunog walang habas na sinisira. Merong mga punong may mga dagta pa na nangangahulugang bagong putol pa lang. Ang bilog sa gitna na nagsasabi ng edad ng puno inyong makikita na matagal na nabuo ng panahon. Nakapanglulumo sa iyong harap nakatambad mga pinagputulan, bundok na nawawala na ang buhay. Tabla tabla kanilang binubuhat, ibinababa ng bundok kapalit ay pera. Ang masama pa rito sa kalagitnaan ng aming paglalakbay ay may nakitang ilog ng basura mga plastic, lata at kanilang mga pinagkainan doon basta na lang iniwan, naturingang mga tao pero asal baboy ang alam. Haist ano pa nga ba ang magagawa natin, sa ngayon marahil maging mata, tenga at bibig ng ating kalikasan upang mapaalam sa lahat ang nangyayari sa loob ng kabundukan. 








Subalit isang mayroon di ring magandang pangyayari, nang ang mga puno ay isa isa na nilang pinuputol

Okay tama na ang sama ng loob balik na tayo sa akyat na maraming nakapila.. Ahahahah! Ang pangatlong grupo ay nais ng mabuo, madami na ang nag aabang dito pero wala pang plano, Kalma lang darating din yan. Masasabi kong Isa ito sa mga akyat kong di ko malilimutan dahil sa ang aming grupo ay ang iilan pa lamang sa nakaakyat dito, at kami pa lang ang nakapag night camp sa peak mismo ang gara da bah... Salamat sa Maykapal sa paggabay at magandang panahong sa amin ibinigay. Salamat sa mga nakasama naging masaya at magaan lang ang pag akyat, di masyado nadama ang haba ng paglalakad pagkat puro tawanan at kwentuhan kahit sa gitna ng daan madulas man na parang wala lang. Makailang ulit ng nadulas, nabangga sa puno o sanga, natinik, natalisod tuloy pa rin ang paglusong. At higit lalo salamat sa tatay Nestor at kami ay sinamahan aming pangarap binigyang katuparan.. Mabuhay ka tatay...

Naway patuloy tayong lumalaban sa pangangalaga sa Inang kalikasan, mahirap man subalit sama sama tayong gumawa ng paraan. Naway ang mga kapatid nating sa pag kakaingin, pagpuputol at pag uuling umaasa ay mapansin ng gobyerno at mabigyan ng ibang trabaho. Sana, sana, sana. 
















Gayun paman, buong lakas at saya namin tinahak ang tuktok ng Oriod

Ang expedisyong ito sa ilalim ng bilog na buwan na siyang naging gabay at nakapagbigay ng liwanang sa daan, ay naging mahusay at may mahikang nadama na patuloy na nagpapakita.

Kasama ang aking walong rosas ng Oriod.. Tatay Nestor, kap edwin, jun, satya, alvin, avol, marlon at Dadi Omeng..sa susunod na pag ahon.

















 Patnubayan tayo ni Bathala. Salamat sa Inang Kalikasan.

 




























itsmejackie c",)

No comments:

Post a Comment

"share a word/comments"