Every journey is a story so ... I write. I share. I blog. I smile.

Sunday, June 15, 2014

Nomads lyt



Marami ang marunong kumanta
marami ang marunong maggitara,
meron ding marunong gumawa ng kanta 
pero mas maganda kung marunong ka ng lahat.

Meron akong awiting narinig 
na gawa ng kakilala di mo aakalain,
akala mo isa lamang tambay 
na walang magawa sa buhay

Mula nang ang awiting ito ay aking narinig
paulit ulit na itong tumugtog sa aking isip
kahit walang tipa ng gitara kabisado na ang awit
ang kulit ng lyriko, ang saya ng tuno

Sa una maaari mo itong pagisipan na di maganda
mensahe ay di naayon, di maganda ang letra
subalit, pero, datapwat wag itong pag -isipan ng masama
bagkus pakinggan muna ng makita ang mensaheng dala

Sa likod ng akalang di magandang awitin 
ay isang kwentong nakakatuwang isipin, 
ito ay tungkol sa may likha ng musika 
na sa kadiliman ay minsang naglayag sa gitna ng kagubatan.

Mga kapatid sa Maranat w/ kompositor dulong kaliwa


Walang dalang headlamp kaya't walang makita sa daan
subalit may nakilala at sa kanya'y nagturo ng paraan
gamit ang pala/dahon gagawin itong sulo
iilawan ang dulo na syang nagbigay liwanag dito.

Tila ako ay nahumaling na sa kantang ito
kaya't humingi ng kopya at nakasave sa telepono
pagga-inaantok, o di maganda ang araw
kukuhanin lang ang telepono, at papatugtugin na ito.

Hala Tara, makinig sa kantang ito..
hindi pa man lumalabas sa madla 
pero ang lasa ko pag na ere na ito 
Ha! sasabay kayo.Tara! makigulo, makikanta dito.

Bago sumikat ang kantahing ito
hayaan nyo muna akong ipamahagi ito,
na may permisyong ng may akda
Hala sige makibaliw sa kapatiran.

Nomads lyt ang titulo nito
gawa ng kaibigan, kasama, kapatid sa bundok,
Teka tigilan ko nga ito, pahapyaw ko muna ang lyriko nito
susubukan kong i-upload ang buo na may kasama ng musiko.

Bundok Maranat, kung saan madalas nabubuo mga kanta

Nomads lyt/ Chaddy Gutierrez


(Chorus) Itinirintas ko na ang palapang tuyo
tatlong minuto na lang at sisindihan na ang dulo nito
iaangat sa kagubatan, magliliwanag ang kadiliman
makikita mo ang daan, lalayas mga ahas
maliligtas ang bawat hakbang.

*Wag masyadong mag-alala
kapag ako o kapatid sa dilim ang iyong kasama (aaahhhhh)
Kahit sabihin nagloloko, mamahaling headlamp na nakakabit sa iyong noo.
Talagang di na kaya pwede nang
tumagay at maghintay na lamang ng umaga (aaahhhh)
Sana'y laging iisipin, ang oras ay ginto kaya
dapat wag nating itong sayangin kaya't......

(Chorus)

Instrument

(Chorus)


061514 weekends walang akyat tambay lang sa patag. Kelan nga ulit makakaakyat ng mara? hmmmm

*Gudlak po sa grupo/banda, naway marinig ko na ang kantang ito sa mga radyo.
Naway marinig na ng mga tao at kantahin ang kantang kinakanta kong ito.




Thanks.




itsmejackie   c",)





  



 

1 comment:

  1. May tumugtog kahapon kina Tatay. Not sure kung sila un. Pero masaya. Basta ung isa dun madami piercing. Kasama din si Sir Jun :)

    ReplyDelete

"share a word/comments"