Abril 2015 ang aking huling pagsulat dito sa aking blog.. hala, matagal tagal din ah.. hirap ng walang dekoryente de makina sa bahay di rin naman makapunta sa mga me shop at busy.. pero salamat sa laptop ni kapatid at ito na akong muli.. waaaahahahaha
Nitong Setyembre 12-13 ay naganap ang part 3 ng Conquer Trail Run kasabay ng ika-apat na taon ng TAC o ng Tanay Adventure Camp. Naging masaya at matagumpay naman ang lahat. Nung unang leg ng nasabing patimpalak ay apat lang ang mga kasama sa grupong TMTR sina Kap Bino, kap Jr, kap Edwin at kap Omeng sa bundok ng Mt. Tarak sa Bataan. Sa leg 2 ay may mga nadagdag ng kapatid.. dumami na ang mga bumuo sa Team Maranat Trail Run . Hanggang sa itong ikatlong leg 3 ay mas madami pa ang mga sumali ..at sya namang nakaktuwa.
Hindi ko inakala na makakahiligan ko ang pagtakbo subalit nung maliit pa naman ako ay nakikipaghabulan na ako sa mga kalaro ko ay naku eh di sana nakipag habulan at nakipaghabulan pa ako di bah... pero sa ngayon okay na na alam kong may lakas pa akong makatakbo.. makatapos ng isang karera, pero di ko naman sasasabihing di rin ako naghangad na makapanalo ng pwesto pero kung saan ang kaya magpasalamat, mag-enjoy kung makapwesto hala oi.. eh di magaling.
Naging maputik ang daan, basa, madulas, may mga naligaw, may mga nasugatan subalit matagumpay at may lakas paring tinapos ang laban. Salamat sa Maykapal sa lakas na kanyang bigay, salamat sa mga nakasama sa takbuhan, salamat sa dadi koi Omeng, salamat sa TMTR at sa mga kapatid na sumusuporta.
MALIGAYANG PAGBATI NG TAGUMPAY SA LAHAT! PADAYON!
Narito ang ilang larawan....
11k Runners |
Mala unggoy lang, wall climb after |
Grand slammers |
Salamat sa sponsor..Everfirst |
Ang noo.. grand slammer oh |
Kap Bino pa sabik.. almost 2 minutes before the cutoff |
support team |
#21 out of 75+ runners |
its me jac c",)
No comments:
Post a Comment
"share a word/comments"