Every journey is a story so ... I write. I share. I blog. I smile.

Thursday, November 13, 2014

Visita Iglesia, ang pasasalamat


Sa pagsindi ng kandila, dala ay liwanag


Medyo matagal tagal din ang naging huling pagsulat
dahil nawalan ng koneksyon ng net sa bahay.. wawa naman
ahahah, pero ito masayang nagbabalik

at narito ang late post, I mean super late post
ng sariling Visita Iglesia namin ni Jp sa kalagitnaan ng taon.
Isang pag-aalala sa araw ng pasasalamat.

>>>>>>>>>>>>





Mga Simbahang subok na ng panahon

Isang araw na nakakapagod, puro lakad sa mainit na kalye
Sakay baba sa jeep , upang pumaroon sa susunod na destinasyon.
Subalit higit sa anu paman ay isa itong araw na nakakabusog di lang sa tyan
pero lalo sa kaluluwat kalooban.

Halos magdadalawang buwan na nang nagyaya si Jp sa kanyang pangarap na Visita Iglesia ay agad naman akong umuoo subalit di nga lang kinabukasan dahil sa dami ng aktibidad subalit ito ay naset namin ng Agosto 23.
Ang lakad na ito ay sa kadahilanang isang pasasalamat ni Jp sa lakas at kagalingan
na kanyang nararanasan ngayon, at dahil buwan ng kaarawan ko din naman ay sumama na ako upang
makapagpasalamat din sa Maykapal at Bathala.







Labing tatlong simbahan ang orihinal na nasa listahan ang aming pupuntahan subalit sa aktuwal na paglalakabay ay 10 na lang ang nagawa dahil medyo magagahol na sa oras at pagod na rin.
10 lumang simbahan mula taong 1600 hangang 1800 mga lumang simbahan matagal ng nakatayo at magpasahanggang ngayon ay buong tayud pa rin itong nakakapag silbi at tahanan ng Panginoon
sambahan ng mga tao.
Nariyan ang Simbahan ng Quiapo, San Juan Del Monte, San Vicente de Paul, Tondo Church, Our Lady of the Abandoned, Santa Cruz, San Felipe Neri, Binondo Church, Cathedral Church, San Agustin.

May iba't ibang istorya ang sa bawat simbahan ay nakabalot, subalit iisa lang ang naging dahilan nito, .
Mula San Juan, hanggang Manila at Intramuros, napadpad din duon sa Binondo.. mga lumang simbahan ay pilit sinuyod upang makapagbigay pasasalamat gayun na rin ang bumulong ng dalangin para sa mga hiling.






Sa aming paglalakad mga mata namin ay nabusog din sa mga nakita at sumalubong sa amin. Iba't ibng prutas aming binitbit pauwi pasalubong na paghahatian namin. May 2 kasal ang aming nasaksihan ang araw ng mga magsising-irog na mangangakong magmamahalan sa harap ng dambana. Ay mayroon ding libing, naway makuha nia ang kapayapaan kasama ng Panginoon.

Sayang lang di nakasama ang mahal kong dadi koi, ahahahah napagod ata sa buong linggong gawain nia, pero ok lang at wak po ikaw alala kasama ka po at mahal mo sa dalangin, at kasama ka naman sa puso ko.. eheheh ;p boomm!





Nga loob at labas ng simbahan

Pero seryoso po.. salamat aming Mahal na Panginoon sa lakas, kaayusan ng aking kaibigang si Jp at naway magtuloy tuloy ito. Gayun na rin salamat po sa lahat lahat ng biyayang iyong binigay. Salamat sa bagong taon ng aking buhay, sa aking pamilya, kaibigan, ka-ibig-gan, sa trabaho, maayos na kalusugan at sa sa buhay na taglay. Itinataas po namin sa inyo ang dasal at pasasalamat ng aming puso. Amen.

Salamat sa araw na mapanglaw, kami/ ko ay napagbigyan ng pagkakataon mga simbahang ito ay marating.. Ikaw kelan ang magiging lakad mo?



itsmejackie   c",)



No comments:

Post a Comment

"share a word/comments"