sa tuktok ng Nagpatong |
Ang paa Lion, ang Liones rock at ang taga-alaga |
Nang magsolo patungong Alibijaban Island |
Ang aking mga paa kung san san na ako nadala, may pagkakataong malayo at mayroong malapit lang din naman. Kung minsan mag-isa kadalasan may mga kasama.
At sa bawat lugar na aking napuntahan hindi mawawala na kuhaan ko ang mga paa, kasama ang magandang tanawing nakikita bilang isang ala ala.
Kung marami sa atin ang mahilig mag selfie o groupie ako mahilig mag "footfie" .. marahil alam nyo na kung saan nakuha ang salita, nabuo ng mapaglarong isipan.
Nakakatuwang pagmasdan mga litratong kuha laman ang aking mga paa, ibat ibang angulo, ibat ibang panahon. May sapatos, nakayapak, malinis o madumi man.
Kahit puro sugat na ang natatamo, mga kuko ay nangamatay na, subalit salamat pa rin sa ang aking mga hita't paa sa aki'y di sumusuko.
Ngayon sa pagtakbo naman nasusubok tibay ng mga ito, hanggang saan ako madadala, hanggang saan ang kaya. Okay na sa akin ang makarating ng finish line ng ligtas at buo, pero masarap din siguro ang makarating ng may pwesto.
Sa bawat paglalakbay ibayong pag-iingat ang laging taglay na di mapiliyan o masugatan ng malalim upang tuloy tuloy pa rin ang gawaing pamamasyal. Isang maayos na pangangalaga ang sa mga paa'y ilaan, siguraduhing ipagpahinga at ipamasahe din kung minsan.
Kay daming lugar ang masarap puntahan, kay dami pang lugar ang masarap pasyalan. Saan kaya ang susunod na tatahakin ng makakati kong mga paa. Sana minsan tayo ay magkasama.
Magkasamang paa... Infinity |