Ito ay isang pang istorya ng aking buhay mamumundok na nais kong ibahagi sa inyo...
Sa halos 5 taon ng aking pag-akyat
sa bawat hakbang na aking ginagawa
sa pagtapak sa lupa sa bundok na tinahak
may iba't ibang kwentong nabubuo ng kusa.
Maging hapo man, hiningay hinahabol,
balat man nagsusumigaw na ng "maitim na ako"
pero tila ang puso't katawan ko nilamon na ng bundok
kaya't maya't maya ay bumabalik ako.
Sa dami na ng bundok na napanhik
tila bawat tuktok ay lagi pa ring sabik
kalooban ay parating puno ng galak
anyo ng kapaligiran dinadamang wagas.
Sa iba ang kabundukan ang nagiging kanlungan
kung saan itinatahan ang pagod na isipan
ang sa iba ito ay kanilang panata
subalit sana ay may kabuluhang dala.
Iba't ibang tao ang nakakasalamuha mo
di mo kilala pero nagiging kaibigan mo
kay sarap lang malaman na magkatulad kayo
sa adhikain at hilig ng puso.
Sana lang sa bawat pag-ahon bitbit ay disiplina
hanggang sa pagbaba ito ay di mawala
at nang ang mahal na kabundukan ay mapangalagaan
para sa susunod na sa aming mga yapak.
Sa halos 5 taon ng aking pag-akyat
sa bawat hakbang na aking ginagawa
bukod sa alaala, aral ang nakukuha
mula sa kabundukan at mga nakakasama.
**Sa taong ito lumagpas na ako sa kota, pero tila di pa rin ako magsasawa
sa katunayan ang katawan naghahanap na nang mag-aanyaya o makakasama
kung baga di na kumpleto ang buwan ng walang pag-akyat.
Sa oras ng sulating ito ay may planong umakyat ng Batulao sa Sept 21-22, sana matuloy
tas sa Maranat sa Sept 28-29 o mag San Jose circuit sa Tarlac.
itsmejackie c",)