Sa aking pagbabasa ng blog ng isang kakilala (na naka sulat sa tagalog) aking napagtanto na wala pa pala akong nagagawa dito sa aking lathalain na Filipino, di ko alam kung bakit, pero patawad po. Kung kaya't sa mga oras na ito hayaan nyo akong ihayag ang aking saloobin/kwento sa lengguwaheng mas alam ko, ang Filipino. Subalit ipagpatawid nyo rin po kung may mga salita pa rin na nasa inglis, marahil di ko alam ang katumbas ng salita sa Filipino, tao lamang.
Sadyang napakabilis ng panahon sa bilis di ko namalayan na 2 buwan na pala akong di napasok sa opisina, hindi dahil sa gusto ko lang umabsent, kundi dahil wala akong trabaho. Masaya na mahirap ang walang trabaho masaya kasi nagagawa ko ang mga bagay na di ko magawa pag may trabaho pero mahirap kasi walang sweldo, paktay tlaga. Pero okay lang sulit naman maganda at nag-eenjoy naman ako dapat lang di ba haler... chillax chillax lang muna.
Nitong nakaaraang 2 linggo bagamat wala pa rin akong permanenteng trabaho may nakuha akong "project based" na tatagal lamang ng 15 araw, ang 10 araw ay natapos na nitong Marso 4-15 at ang susunod na limang araw ay sa Abril 3-7. Sa totoo lang di ko naman alam na "project based" lang ito, sinabihan lang ako ng kaibigan na mag-apply sa kumpanyang ito, subalit dahil wala pa namang trabahong nag-aantay sa akin ay sinunggaban ko na muna ito.
Napakadali lang ng trabaho parang nglalaro ka nga lang sa kumputer at pagkatapos ng 10 araw, teneeeennn... may seldo ka, may tama ka! Ang saya saya! Hihihihi... Sa ngayon dalawang linggo pahinga muna ulit ang susunod na pagpasok ay sa Abril ulit limang araw lamang tas tseke na ulit. Hindi ko inakalang mag-eenjoy ako dito ang galing!
Subalit, pero, sandali ang trabaong ito ay panandalian lamang kaya dapat na akong maghanap ng permanenteng trabaho kung hindi patay na ako kay nanay. Kailangan ng pangbayad sa bahay, ayaw kong matulog sa labas, ikaw ba gusto mo? kung kaya't sa ayaw at gusto ko kailangan nang kumilos ni Gabriela.
So tatapusin ko muna itong sulat ko dito titingin muna ako sa jobstreet o jobsDB. Babalik ako para dugtungan ang kwentong ito kung ano ang magiging resulta ng paghahanap ko ng trabaho.
Wish me luck. Salamat sa pag-istambay. Salamat sa pagbabasa.